Ni Melrose Manuel
INILUNSAD ngayong araw ang ‘BIDA ang may Disiplina’, solusyon sa COVID-19″ national advocacy campaign sa Marikina City.
Pinangunahan ito nina Health Secretary Francisco Duque III, DILG Usec Jonathan Malaya at Marikina Mayor Marcelino Teodoro.
Layon ng kampanya na paigtingin ang disiplina sa mga mamamayan para sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hinihimok ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na mag-organisa ng disiplina brigades sa lahat ng barangay sa bansa para himukin ang mga residente na sumunod sa health standards sa komunidad.
Aniya, sa pamamagitan ng ‘BIDA ang may Disiplina’ ay hangad ng DILG at DOH na iparating sa mga mamamayan na ang susi sa pagsugpo sa virus ay disiplina at pagsunod sa mga tamang asal.
Sinabi ni Sec. Año na ang brigades ay dapat binubuo ng community members, kabilang ang mga barangay tanod, na silang magpapaalala sa kanilang mga kapitbahay at kaibigan sa minimum health standards at pagtawag sa atensyon ng mga lalabag sa protocols.