Ni Pat Fulo
UMAKYAT na sa mahigit 22.6 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nag-enroll para sa school year 2020-2021.
Sa pinakahuling tala ng Department of Education (DepEd), kabuuang 22,693,496 na ang nakapag-enroll.
93.85% sa nasabing bilang o katumbas ng 21,184,570 ay nag-enroll sa pampublikong paaralan habang 1.47 milyon ang nag-enroll sa private school.
Inaasahang dadami pa ang bilang ng mga enrollees habang patuloy ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.