Ni Tony Cuevas
UPANG maiwasan ang pagkalat ng virus sa lungsod, maglalagay ng centralized common trash bin sa 188 barangay ang Caloocan para lagyan ng mga ginamit na PPEs lalo na ang face mask at face shield.
Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, binabalangkas na ang mga panuntunan, alituntunin at ipapataw na parusa sa mga taong susuway sa kautusan.
Layunin nito na hindi na kumalat pa ang virus dahil sa mga itinapong PPE lalo na at may mga nangangalakal ng basura kahit saan.
Ang mga tauhan lamang ng Solid Waste ang maaring kumuha ng mga basura na pinagtapunan ng mga nagamit na PPEs.