Ni Melrose Manuel
TINANGGIHAN ni Phoenix Forward Calvin Abueva ang offer nitong makapaglaro sa ibang bansa upang manatili at maglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sa isang panayam sinabi ni Abueva na marami ang nag-alok sa kanya mula nang masuspinde siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPLB) gaya ng Thailand at Japan ngunit aniya ay tinanggihan niya ang lahat ng ito.
Dahilan ni Abueva, may dapat pa siyang tapusin na problema at kailangan niya muna itong tapusin bago siya tumanggap ng alok sa iba.
Inihayag din ni Abueva ang mga requirement ng PBA na kailangan niyang kumpletuhin bago ma-lift ang kanyang suspensyon gaya ng pagsailalim sa drug testing at psychological sessions, at pagsagawa ng community service.
Umaasa rin si Abueva na muli siyang makasali sa Men’s National Basketball Team.