Ni Melrose Manuel
NIYANIG ng magnitude 6.6 na lindol ang Cataingan, Masbate kaninang 8:03 ng umaga.
Naitala ang pagyanig sa pitong kilometro timog-silangan ng bayan ng Cataingan aa Masbate.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 21 kilometro.
Naramdaman ang intensity 7 sa Cataingan, Masbate; intensity 5 sa City of Masbate, Masbate; Almagro, at Tagapul-An, Samar; Intensity 4 sa Palanas, at San Jacinto, Masbate; City of Sorsogon, Sorsogon; City of Legazpi, Albay; San Andres, Quezon; Mapanas, at Palapag, Northern Samar; Barugo, Dagami, Dulag, Julita, La Paz, Palo, at Tanauan, Leyte; City of Sagay, Negros Occidental;
Intensity 3 naman sa City of Baybay, Isabel, Javier, at Kananga, Leyte; Ormoc City; Mulanay, Quezon; City of Iloilo.
Intensity 2 sa Guinayangan at Lopez, Quezon; President Roxas, Capiz; Patnongon, Patnongon, San Jose de Buenavista, at Tibiao, Antique at Intensity 1 sa Lezo, Aklan at City of Dumaguete, Negros Oriental.
Samantala, nakapagtala rin ng instrumental intensities ang PHIVOLCS matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa ilang bahagi ng Masbate, Leyte, Capiz, Negros Occidental, Antique, Camarines Sur, Cebu, Bohol at Misamis Oriental.
Sa ngayon, patuloy ang nararamdamang aftershocks matapos ang magnitude 6.6 na lindol.