Ni Justine Nazario
TULOY na tuloy na ang pagsasampa ng kaso ni Miss Universe 2018 Catriona Gray laban sa isang tabloid.
Kaugnay ito sa pagpapakalat ng pekeng nude picture ni Cat.
Ayon sa kampo ng beauty queen, cyber libel ang ginawa nilang pagpapakalat ng litrato ni Catriona na hindi naman totoo.
Bukod dito, nanghihingi si Catriona ng sampung milyong pisong settlement at public apology sa tabloid para sa mga damages na naidulot nito.
Magugunita na noong nakaraang buwan nang nagtungo sa tanggapan ng NBI si Catriona upang maghain ng reklamo laban sa naturang tabloid.