Ni Jonnalyn Cortez
MADALAS nating narinig na ang epektibong pangtanggal ng taba sa tiyan o visceral fat ay diet at exercise.
Ano bang pangluto ang dapat gamitin upang mas maging epektibo pa ang ating diet? Ang sagot, coconut oil!
Paano ito makakatulong?
Ayon sa British news website na Express, ang coconut oil ay madalas na tinuturing na superfood dahil sa dami nitong taglay na health benefits. Ang kombinasyon ng fatty acids sa coconut oil ay may positibong epekto sa ating kalusugan, tulad ng pagtunaw ng taba, para sa kalusugan ng puso at ng isip, at marami pang iba.
Sa pag-aaral na ginawa ng US National Library of Medicine National Institutes of Health ukol sa epekto ng medium-chain triglycerides (MCT) na taglay ng coconut oil, ito ay nakakatulong sa pagpapapayat at body composition kaya epektibo ito sa pagbabawas ng taba sa tiyan.
Ilan sa mga fatty acids sa coconut oil ay nakakatulong din upang mabawasan ang gana sa pagkain at pabilisin ang pagsunog sa taba kaya maaari rin itong makatulong upang paliitin ang ating tiyan.
Meron ding natural saturated fat ang coconut na nagpapataas ng good cholesterol sa ating katawan at nakakatulong upang gawing less harmful ang bagong cholesterol.
Saan galing ang taba sa tiyan
Ang taba sa tiyan ay mula sa build-up ng intra-abdominal adipose tissue, ang taba na na-i-store sa mas malalim na bahagi ng abdomen kumpara sa normal na taba sa tiyan. Bumabalot ito sa atay, pancreas at bato.
Bukod sa hindi masyadong magandang tignan at nakakataba, meron din dalang panganib ang visceral fat sa ating kalusugan, tulad ng atake sa puso at stroke.
Kaya upang maiwasan ito, bawasan ang pagkain ng maraming processed foods, pag-inom ng alak, paninigarilyo at ang paginom ng maraming tubig.