Ni Melrose Manuel
DADAGDAGAN pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga i-hire na contact tracers sa susunod na buwan.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, hinihintay na lamang ng kagawaran na maging ganap na batas ang Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover As One Act.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, may karagdagang P5 bilyong pondong nakalaan para sa DILG kung saan sa oras aniya na mailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo ay agad na ilalabas ng DILG ang qualifications para sa mga contact tracers.
Sinabi ni Malaya, sa ilalim ng naturang pondo ay magkakaroon ang kagawaran ng kakayahan na magdagdag pa ng nasa 50,000 mga contact tracers.
Sa ngayon nasa 85,000 na ang bilang ng contact tracers sa Pilipinas.