Ni Vic Tahud
UMABOT na sa siyam na libo, limang daan at animnapu’t siyam ang kabuoang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Overseas Filipino Worker sa buong mundo.
Base sa pinakahuling ulat ng Department of Foreign, nagkaroon ng karagdagan labing tatlong OFW ang nahawaan ng COVID-19.
Sa kabila nito, umabot na sa limang libo, limangdaan at pitumpo’t dalawa ang gumaling na.
Sa ngayon, mayroon pang mahigit tatlong libong OFW ang naka-admit pa sa mga ospital sa ibang bansa at may 671 OFWs na ang nasawi sanhi ng COVID-19.