Ni Melrose Manuel
Pumalo na sa 169,213 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,836 na panibagong kaso kahapon araw ng Martes, Agosto 18.
Ayon sa DOH, sa kabuuang bilang ay 53,665 ang active cases dito.
Nasa 112,861 naman ang mga gumaling matapos makapagtala ng 182 new recoveries.
Habang pito ang nadagdag sa mga nasawi kaya pumalo na sa 2,687 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa virus.