Ni Tony Cuevas
PANGUNGUNAHAN ng DOH ang pagkakaloob ng libreng COVID-19 testing sa mga may sintomas ng virus sa gagawing house to house sa mga barangay na may mataas na bilang ng impeksyon.
Ayon kay Spokesperson Harry Roque, ang nasabing hakbang ay sagot ng DOH para matulungan ang mga local government sa paghahanap ng mga posibleng may impeksyon.
Sinabi ni Roque ang ganitong patungo sa mga bahay ng mga posibleng may COVID-19 ay ginawa rin sa isang urban poor area sa Mumbai.
Ang test na gagamitin ay ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR.