Ni Vhal Divinagracia
WALONG bagong police stations ang ipatatayo ng police district ng Davao City.
Ayon kay Davao City Police Office o DCPO Head Pol. Col. Kirby John Kraft, mas maagap ang pagresponde ng mga pulis kung magtatayo ng walo pang karagdagang police station.
Malawak ang Davao City ani Kraft kaya mas mainam na dagdagan ng mga police stations.
Ang mga lugar na pagtatayuan ng police stations ay ang mga sumusunod: Bajada, Torres, Ecoland, Maa, Baliok, Mandug, Catigan at Los Amigos.