Ni Melrose Manuel
MARAMI pang suliraning kinahaharap ang sektor ng edukasyon na hindi pa lubusang nahanapan ng solusyon.
Ito ang inihayag ni Atty. Emillio Abelita, chairman ng Parents Teachers Alliance sa panayam ng Sonshine Radio.
Aniya, kabilang sa mga suliranin ang isyu sa online learning, internet connectivity, at kakayanan ng mga mahihirap na mga bata na makapag-aral sa pamamagitan ng internet.
Bukod pa rito, ayon kay Atty. Abelita, hindi pa lahat ng mga self-learning module ay tapos na.