Ni Vic Tahud
BALIK-OPERASYON na ang dine-in restaurant, salon, barbershop, gym at iba sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).
Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez.
Sa ilalim ng GCQ, maaring mag-operate ang mga dine-in restaurant 50% sa kanilang kapasidad.
Kabila nito, dapat magtalaga ng health committee ang mga negosyong ito na makikipag-ugnayan sa gobyerno hinggil sa mga pinatutupad na protocol ng gobyerno.
Pwede na ring magkaroon ng religious services pero hanggang 30% lang.
Habang nananatiling ipinagbabawal ang mga maraming nagtitipon-tipon, mga entertainment at amusement para sa mga bata.