Ni Melrose Manuel
BINALAAN ni Senator Sherwin Gatchalian ang Manila Electric Company o Meralco at iba pang mga distribution utilities (DUS) sa posibleng pagbibigay ng hindi maipaliwanag na electric bill sa mga consumer.
Ayon kay Gatchalian, ngayong nasa lockdown ulit ang Metro Manila ay baka hindi na naman makapagbasa ng metro ang Meralco at hulaan na lamang ang magiging consumption ng mga customers.
Matatandaan na inulan ng napakaraming reklamo ang Meralco at iba pang DUS matapos ang mga naiulat na over estimation sa electric bill ng mga consumers sa mga buwan na umiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).