SMNI News
NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa mga ospital sa buong bansa na tulungan ang kagawaran para malaman kung may mga kawani sila na sangkot sa iligal na pagbebenta ng convalescent plasma.
Kasabay ito ng babala ng ahensya laban sa pagbili at pagbebenta ng plasma dahil sa dumaraming ulat hinggil sa mga pamilya ng critically-ill patient na bumili ng plasma mula sa mga recovered patient, hospital staff at mga fixer.
Dahil dito hiniling ng DOH sa mga namumuno ng hospital na tingnan ang kanilang mga kawani kung may sangkot dito kasabay din ng panawagan sa mga lokal na pamahalaan na imbestigahan ang sinasabing bentahan ng plasma sa mga hindi otorisadong health facility.