Ni Pat Fulo
NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa mga nagkalat na pekeng contact tracers.
Sa abiso ng DOH, nagkatanggap sila ng report na may ilang indibidwal ang nagpapanggap na miyembro ng DOH contact tracing team at nagtatawag sa telepono.
Sa naturang modus, hihingin ng mga ito ang personal information kanilang biktima at tsaka hihingan ng pera.
Payo ng DOH sa pubiliko, maging mapagbantay, huwag hayaan malagay ang seguridad sa alanganin at huwag na lamang i-entertain ang mga ganitong klase ng tawag.
Paliwanag ng DOH, wala silang sariling contact tracing team at sakali namang mayroong magpakilalang team mula sa LGU ay agad ito i-verfy sa baranggay.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang ito ay maimbestigahan.