Ni Melrose Manuel
NAPILI na ng Department of Health ang mga ospital na makakatuwang sa isasagawang clinical trial ng Avigan.
Sa virtual press briefing ni Health Undersecretary Spokesperson Maria Rosario Vergeire, binanggit nito ang apat na ospital para pagsagawaan ng trial.
Ito ay ang Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez, Sta. Ana Hospital at Quirino Memorial and Medical Center.
Ayon kay Vergeire, siyam na buwan ang itatagal ng clinical trial sa bansa habang nasa isandaang pasyente ang kakailanganin dito.
Hindi naman aniya maari sa trial ang mga may problema sa puso at ayaw tumanggap ng contraceptives dahil hindi ito pwede sa mga buntis.
Ang Avigan ay isang anti flu drugs mula Japan na umano’y nakatutulong sa paggamot sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.