Ni Melrose Manuel
PINASINUNGALINGAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang reports na niluwagan na ang restrictions sa deployment ng mga nurse sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, nanatili pa rin ang ipinatupad na deployment ban sa mga nurse.
Ito ay para matiyak na makakamit ang health care requirements sa bansa ngayong may COVID-19 pandemic.
Nagbabala rin ang DOLE sa publiko na maituturing na ilegal ang anumang deployment ng mga nurses sa ibang bansa maliban na lang kung otorisado ito ng POEA.