Ni Melrose Manuel
SA kabila ng banta ng COVID-19 patuloy pa rin ang konstruksyon ng farm to market road projects sa rehiyon ng Caraga.
Ayon kay DPWH Reg. Dir. Engr Pol De Los Santos nasa 93% tapos ang mga proyekto sa buong rehiyon at inaasahang matatapos ngayong taon.
Patuloy din ang kanilang pagsunod sa health protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga natapos na major projects ng DPWH Caraga ay ang farm to market road sa Agusan Del Sur, Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Sur.
Malaking tulong sa mga magsasaka ang farm to market roads upang maging madali ang pagbiyahe ng kanilang ani at produkto sa merkado at isa rin sa susi para sa paglago ng negosyo at ekonomiya.