Ni Melrose Manuel
BINALAAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko ukol sa mga kumakalat na pekeng page at group ng ahensya sa Facebook.
Ito ay matapos na madiskubre ng DSWD ang labing dalawang FB Pages at dalawang FB Groups na gumagamit ng pangalan ng ahensya.
Paalala ng DSWD, tiyakin na sa opisyal lamang na social media accounts ng ahensya makipag-ugnayan at kumuha ng impormasyon.
Hinimok din ng DSWD na i-report ang mga makikitang pekeng fb page na gumagamit ng pangalan at logo ng ahensya.
Paki-usap pa nito sa publiko, iwasan ang pagsali sa mga naturang FB Pages at group upang hindi maging parte ng paglaganap ng maling impormasyon.