Ni Melrose Manuel
NAKATUTOK ngayon ang Department of Trade and Industry sa presyo ng face shield ngayong panahon ng pandemya.
Ito ang naging tugon ni DTI Usec. Ruth Castelo sa naging panayam ng SMNI News matapos sumirit ang bentahan ng face shield sa merkado.
Samantala, pinag-aaralan na ng Department of Health ani Castelo ang magiging suggested retail price ng face shield.
Aniya ang DOH ang magdi-desisyon kung ito ba ay isang basic o prime commodities.