Ni MJ Mondejar
ON-GOING ngayon ang imbestigasyon ng Anti-Red Tape Authority kung may paglabag ang PhilHealth sa Ease of Doing Business Law.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni ARTA Director General Jeremiah Belgica na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga stakeholder kaugnay sa mga posibleng paglabag ng PhilHealth sa government process.
Napag-alaman kasi sa nagdaang pagdinig sa Kamara na mahaba ang proseso ng PhilHealth sa pagrerelease ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism o IRM.
Samantala ayon kay DG Belgica, maglalabas din sila ng rekomendasyon para maayos ng PhilHealth ang kanilang sistema.
Samantala, sa nagdaang hearing ay sinabi ni Deputy Speaker Fernandez na hindi aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Automated Payment System ng PhilHealth na paglabag umano sa batas.
Ayon kay Fernandez, dapat aprubado ng Central Bank ang lahat ng payment systems ng bansa.
Ayon pa kay Fernandez, posibleng maharap sa administrative charges ang mga opisyal ng PhilHealth dito.
Ani Fernandez, tatamaan ang opisyal sa ilalim ng Sec 19 of RA 11127 or The National Payment Systems Act na may penalty na hindi bababa sa P200,000 at hindi lalampas ng P1-M sa bawat transaksyon at P100,000 naman para sa continous violation at pagkakakulong ng hindi bababa sa sampung taon.