Ni Vic Tahud
GAGAWIN na ring COVID-19 hospital ang East Avenue Medical Center sa Quezon City dahil sa nagkukulang na ang mga higaan ng ibang ospital para sa mga pasyente.
Ito ang kinumpirma ni National Task Force Covid-19 Spokesperson Retired Gen. Restituto Padilla.
Ayon pa kay Gen. Padilla, umabot na sa danger level ang bed capacity ng mga ospital sa Metro Manila.
Ani Padilla, 74 percent nang puno ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa dumaraming pasyente ng COVID-19.
Dagdag pa ni Padilla, habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, ito ang oras na ayusin nila ang nasabing ospital para maging COVID-19 hospital.
Samantala, ang mga pasyente na may ibang karamdaman ay pansamantala munang ililipat sa ibang ospital.