Ni Justine Nazario
SUMAKABILANG-BUHAY ang radio-television host at dating senador na si Eddie Ilarde, Agosto a-kwatro.
Ayon sa pamilya ni Ilarde hindi COVID-19 ang ikinamatay nito.
Dagdag pa rito, nakiusap ang pamilya ni Ilarde na respetuhin at igalang ang pribadong pagluluksa nila.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa industriya at sinabing hinding-hindi ito makakalimutan.
Matatandaan na isa si ilarde sa mga radio-TV legends noong dekada ’50 at ’60.