Ni Melrose Manuel
BUMAGAL pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa second quarter ng taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa -16.5% ang Growth Domestic Products ng Pilipinas mula Abril hanggang Hunyo.
Kasunod ito ng downward-revised -0.7% sa unang quarter ng taon at 5.5% sa second quarter ng 2019.
Dahil sa dalawang magkasunod na quarter na may negative economic growth, nasa technical recession na ang bansa.
Sinabi ng PSA na ang 2nd quarter GDP na ang pinakamababang naitala simula 1981 series.