Ni Tony Cuevas
SA halip na lumabas ng bahay ang mga elderly at mga may kapansanan PWDs, hinikayat ito ng DSWD na ipakuha na lamang ang kanilang cash aid sa kanilang kapamilya.
Ayon sa DSWD delikado sa mga elderly at PWDs na lumabas ng bahay at maghintay sa mahabang pila para kunin ang kanilang ayuda dahil madali na silang mapagod at mahawaan ng sakit.
Ang DSWD ay nagpapatupad ng manual at digital distribution methods sa pamamagitan ng financial service providers at cash cards para sa 2nd tranche ng SAP pero kailangan pa rin na pumila sa mga pay out centers.
Isinama ang PWDs at elderly sa benepisyaryo ng ikalawang ayuda upang may pambili ng kanilang vitamins at gamot para sa kanilang karamdaman.