Ni Ana Paula A. Canua
KUNG iyong pinahahalagahan ang kalinisan ng katawan, dapat mo ring isaisip ang kalinisan ng iyong bituka o colon. At nagsisimula ito sa maayos at masustansyang pagkain, dahil pag nagkataon malaki ang magiging epekto nito sa iyong katawan. Paano na lamang kung ang dumi sa iyong tiyan ay ‘di malinis na naaalis?
Normal na naglalabas ng dumi ang ating katawan paglipas ng 16 hanggang 24 oras matapos kumain. Sa isang araw maaring isa o dalawang beses tayo dumumi, ang sobra o lumiban sa bilang ay nangangahulugan na may nangyayaring hindi maganda sa iyong katawan. Ang normal na bigat ng dumi ay 5-20 pounds, kapag nahirapan at umabot ng 40 pounds agad na magpakonsulta sa doktor.
Autointoxication o self-poisoning
Maaring mag resulta sa pagkalason ng katawan ang hindi malinis na colon. Katulad ng duming naiipon, ito ay nabubulok at nagdudulot ng mapanganib na bacteria sa katawan. Ang toxins na nilalabas ng nabubulok na dumi ay maaring dumaloy sa dugo na makakaapekto sa cells na nagpapahina sa ating resistensya, ang resulta, madali tayong madadapuan ng malalang sakit at hindi makakarecover ang ating katawan.
Dahil sa duming naiipon, ilan lamang sa epekto ng mabagal at maduming colon ay ang mga sumusunod:
-Mahinang puso o problema sa sirkulasyon ng dugo
-Psoriasis at liver spots
-Mabahong hininga
-Arthritis, pamamaga ng kasu-kasuan, likod at batok
-Muscle weakness at fatigue
-allergies
-mahina at mabagal na concentration
-insomia
-kidney failure
-intestinal problems; hemorrhoids, appendicitis, Crohn’s Disease Colorectal cancer, Colonic polyps , Ulcerative colitis rectum, Diverticulitis Irritable bowel syndrome
Para sa malinis na colon kasabay ng pagkain ng prutas at gulay, ugaliin ang pagkain na fiber-rich foods, makakatulong din ang madadahon na gulay, at uminom ng maraming tubig. Iwasan ang stress at pag-inom ng maraming alak, kape at mamatamis na pagkain. Ugaliin din ang mag-ehersisyo para maayos na matunaw ang kinain.