Ni Melrose Manuel
LUMAMPAS na sa isandaang libong kaso ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa Federal District kung saan nakapagtala rin ang health department ng 2,106 bagong kaso ng impeksyon sa nakalipas na bente kwatro oras.
Sa ngayon, umabot na sa 110,028 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa distrito.
Mula naman sa naitalang 1,385 na bilang ng nasawi, karamihan dito ay mga lalaki.
Ayon sa tala ng health department ng Federal District, ipinakitang ang tatlumpu’t tatlong nasawi na naiulat noong weekend ay nangyari sa pagitan ng Hunyo a-diyes at Hulyo a-bente otso.
Karamihan naman sa mga nasawi ay nangyari habang ginagamot sa mga ospital. Dalawang katao naman ang naiulat na namatay mula sa kanilang tahanan, habang karamihan sa mga nasawi ay may edad walumpung taong gulang pataas.