Ni Pat Fulo
POSIBLENG mag-“flatten” na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan o sa Setyembre ayon sa UP OCTA Research Team.
Batay ito sa reproduction number o R0 (R-naught) ng bansa partikular sa Metro Manila kung saan nakikita na ang pagbaba ng trajectory.
Sinasalamin nito ang pagbagal ng transmission rate ng virus at pagkonti ng bilang ng kaso nito kada araw.
Hindi naman anito ibig sabihin ay wala nang COVID bagkus ay nasa downward trend na ang kaso nito sa Pilipinas.
Ngunit pinaalala ng UP OCTA Research Team na maari pa rin ito mag-reverse kung hindi magtutuloy-tuloy ang pagimplementa ng mga striktong health protocols.