Ni Melrose Manuel
KINAKAILANGAN na ng mga motorcycle drivers at backriders ang full-face visor helmet ngayong nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCG ang buong Metro Manila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ito na ang ipapalit sa pagsusuot ng face shield habang bumibiyahe pa ang mga ito.
Hindi ligtas ayon sa MMDA ang face shield dahil maaari lang itong liparin ng hangin kung kaya’t isang alternative measure ang full-face visor helmets.
Mismong National Task Force Against COVID-19 naman ang nagsali ng nasabing panuntunan sa guidelines na inilabas nito sa ilalim ng GCQ ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.