Ni Jao Gregorio
“GATEKEEPING” ang isa sa pinakamalaking problemang nakikita ni Quezon 4th District Representative Dr. Angelina Tan sa pagresponde ng gobyerno sa COVID-19 sa bansa.
Sa naging panayam ng SMNI News kay Tan na siya ring chaiperson ng Committee on Health, aniya sa dami ng tinatamaan ng virus ay hindi na alam kung saan ito ilalagay.
Hiling naman ani Tan sa Department of Health na magkaroon sila ng dashboard para ma-monitor nila ang bawat referral hospitals at health facilities sa bansa.
Magkaroon din sana ng maayos na linya para hindi naghihintay ang mga pasyente sa kanilang mga test result.