Ni Melrose Manuel
TULUYAN nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie ngayong umaga.
Batay sa huling update ng PAGASA Weather Forecasting Center, alas-nuwebe ngayong umaga nang tuluyang makalabas ng PAR ang bagyo.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso mula sa gitna na aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos naman ito sa bilis na labing limang kilometro kada oras sa direksyong pahilaga.
Ang nararanasang pag-ulan ngayong sa Metro Manila, kabilang ang malaking bahagi ng Luzon ay dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie.
Kaugnay nito, nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal sa mga local government unit na ilikas ang mga residente na nakatira sa mga danger area.