Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa mahigit three hundred thousand ang naitalang violators sa health protocols sa bansa mula Marso 17.
Sa panayam ng SMNI News inilahad ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang nasabing tala.
Nilinaw naman ni Eleazar na ang nasabing numero ay hindi naman lahat ay naikulong.
Subalit ani Eleazar, sa panahon ngayon ay dapat na aniyang makiisa ang publiko dahil hindi parin bumababa ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Dapat aniya maging automatic na sa lahat ang proper health protocols at di na magpapasaway.