Ni Melrose Manuel
PAPAYAGAN nang pumasada ang karagdagang mahigit 1,000 tradisyunal na jeepney simula sa Miyerkules, Agosto 26, 2020.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), karagdagang 1,333 traditional public utility jeepneys sa 23 ruta sa Metro Manila ang muling makabibiyahe.
Sinabi ng LTFRB na hindi na kinakailangang kumuha pa ng special permit pero kailangan idisplay ang QR code sa unit ng jeep.
Ang QR code ay magiging available na idownload simula bukas.
Pinapaalalahanan naman ang lahat sa mga patakaran na inilahad ng IATF-EIF patungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing protocols at ang no face mask, no face shield, no ride sa mga pampublikong sasakyan.