Ni Karen David
BAHAGYANG bumilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong nakaraang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, 2.7% ang naitalang inflation noong Hulyo.
Bahagya itong mas mataas kumpara noong buwan ng Hunyo na may 2.5 percent inflation.
Nagresulta naman ito ng 2.5 percent year-to-date average inflation para sa taong 2020.
Kabilang sa mga tinukoy ng PSA na mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang mas mabilis na paggalaw ng presyo ng transportasyon, mas mataas na antas ng inflation sa housing, water, electricity, gas at other fuels at ang paggalaw ng presyo ng restaurant and miscellaneous goods and services.