Ni Vic Tahud
PATULOY na ipatutupad ng Philippine National Police ang istriktong patakaran sa kabila nang pagbabalik sa General Community Quarantine ng Metro Manila at iba pang karatig na probinsya.
Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Chief of Joint Task Force COVID-19 Shield.
Aniya, tuloy pa rin ang random checkpoints sa buong rehiyon, maging ang pagpapatrol ng mga barangay officers at volunteers.
Matatandaang, balik-GCQ ang Metro Manila para sa muling unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.