Ni Melrose Manuel
NAKA-SENTRO ang lahat ng salaping nalilikom ng mga kapwa artista ni Jhon Regala sa kanyang pagpapagamot.
Maliban sa bank account na binuksan para sa mga donasyon, nakikipag-ugnayan din sila sa doktor na tututok sa kanyang kalagayan.
Sa crowdfunding page para sa aktor, nasa sampung libong US dollar pa ang kailangan para tustusan ang kanyang pang medical na pangangailangan.
Kaugnay nito, nais din magpaabot ng tulong ang dati nitong naging karelasyon maging ang kanyang mga anak sa pagpapagamot nito.
Maalala na naging viral ang isang litrato ni Jhon Regala na humihingi ng tulong habang nakaupo sa kalsada.