SMNI News
NAPAPASAILALIM sa pagbabago ang Joint Administrative Order (JAO) para sa pagpapatuloy ng sport practices sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 pandemic sa bansa.
Sa isang joint statement, inihayag ng Department of Health, Philippine Sports Commission (PSC), at ng Games and Amusements Board (GAB) na patuloy nilang i-uupdate ang joint administrative order at iba pang panuntunan para sa mas ligtas na pagbabalik pag-eensayo ng mga atleta.
Sa ngayon, papayagan lamang na mag-ensayo ang mga atletang napapasailalim sa GAB at PSC basta’t ang kanilang training area ay nasa General Community Quarantine status.
Samantala, hinihimok ng DOH, GAB, at PSC ang mga professional league na bumuo ng kanilang health and safety protocols at guidelines sa pagpapatuloy ng kanilang training at activities na naaayon at may probisyon ng PSC-GAB-DOH JAO at ng iba pang GAB requirements.