Ni Melrose Manuel
PUMALO na sa 178, 022 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,339 na karagdagang kaso sa pinakahuling datos ng kagawaran (Agosto 20).
Sumampa naman sa 114,114 ang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 727.
Habang nasa 88 ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya’t pumalo na sa 2,883 ang death toll dahil sa COVID-19 pandemic.