Ni Vic Tahud
UMAKYAT na sa mahigit labing siyam na milyong katao ang infected ng corona virus disease 2019 sa buong mundo.
Ito ay base sa mga datos na inilabas ng AFP tally at worldometers.info.
Sa kabila nito, umabot na sa 12,350,302 ang gumaling sa nasabing virus.
Sa ngayon, mayroon nang 717,368 ang nasawi sanhi ng COVID-19 sa buong mundo.
Nangunguna pa rin ang bansang Amerika sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot na sa 5,032,179, 40% sa kabuoang kaso sa buong mundo.
Pumapangalawa pa rin ang bansang Brazil na mayroong magta-tatlong milyong kaso ng COVID-19, mahigit 2-M na recoveries at 98,644 deaths.