Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa 46 ang bilang ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 9 sa kanila ay gumaling na at 37 naman ang nananatili sa mga quarantine facilities ng pamahalaan.
Isa naman aniya ang kasalukuyang naka-confine ay nagpapagaling sa ospital.
Sinabi ni Morente na kalahati sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakatalaga sa BI main office sa Intramuros, Maynila habang ang iba ay nakatalaga sa iba pang lugar gaya ng international airports sa Pasay at Cebu at sa mga satellite at extension offices ng bureau sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Bukod sa confirmed cases, sinabi ni Morente na mayroon din ang BI na 93 suspected COVID-19 cases pero kalahati sa mga ito ay na-cleared na at nagnegatibo sa COVID-19 test matapos sumailalim sa home quarantine.