Ni Karen David
UMABOT na sa 9,873 ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 57 na bagong kaso ng coronavirus sa mga Pilipino na nasa Asia and the Pacific at Middle East.
Sa datos ng DFA hanggang ngayong araw, Agosto 13, sa kabuuang bilang ng confirmed cases ay 3,330 ang patuloy na nagpapagamot.
Nasa 5,821 naman ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 19 na bagong recoveries.
Habang nasa 722 na ang death toll matapos makapagtala ng isang bagong nasawi.
Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapagtala ng 6,889 na kaso.
Sinundan ito ng Europe na may 1,143 overseas Filipino na may COVID-19: Asia Pacific Region na may 1, 057 cases habang 784 sa Amerika.