Ni Melrose Manuel
‘ALL system go’ na ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Ito ang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones sa virtual press conference.
Ayon kay Briones, magpapatuloy ang dry run at simulation hanggang sa Oktubre.
Sinabi naman ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na magtatapos ang school calendar para sa school year 2020-2021 sa Hunyo 11, 2021.
Habang ang Christmas vacation ay itinakda sa Disyembre 20, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021.
Sa ngayon, sinabi ng DepEd na umabot na ng 23.3 million ang mga estudyante na nag-enroll at patuloy pa rin ang pagtanggap ng late enrollees.