Ni Pat Fulo
SISIMULAN na ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite extension project ng Department of Transportation (DOTr).
Ito ay kasunod ng approval ng National Economic Development Authority (NEDA) makalipas ang halos 2 dekada.
Target ng proyekto na ma-extend ang LRT-1 mula Baclaran hanggang sa Bacoor, Cavite na magpapaikli ng biyahe ng Manila-Cavite sa 25 minuto mula sa 1 oras at 10 minuto.
Ayon sa DOTr, mula noong Hulyo, mayroon nang 48% overall progress ang programa.
Target ng ahensya na gawing partially operational ang extension project sa susunod na taon.
Kasabay nito, inihayag ng DOTr, na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng Build Build Build project sa kabila ng pandemya.