Ni Troy Gomez
ALAS OTSO kaninang umaga matapos ang flag raising ceremony nang sinimulan ngang pinasinayaan ang Lagusnilad underpass na pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso.
Ang Lagusnilad underpass ay tawiran pa-Manila City Hall patungong Intramuros o vice versa.
Sa bagong renovated na underpass bungad pa lang ay sasalubong na sayo ang magkabilaan na nagagandahang vertical wall gardens.
Pagbaba pa lang ng hagdanan ay kapansin pansin ang nagagandahang mural paints na nasa kaliwang side ng dingding na punong puno ng mga kasaysayan sa bansa partikular na kung saan nagsimula dito sa Manila.
Sa mga character painting makikita ang mga bayani ng Pilipinas gaya ni Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, at iba pa.
Habang sa right side kung manggagaling ka ng City Hall ay makikita naman ang mga disenyo na bast relief kung tawagin na naglalarawan ng araw araw na buhay ng isang Pilipino.
At may halong mga disenyo na nagtataglay ng mga kagandahang lugar sa Lungsod ng Manila gaya ng National Museum, Manila Cathedral, Intramuros at Jones Bridge.
Hindi na rin pinapayagan ang mga vendors dito para magtinda kundi ay underground bookstore na lamang ang pinapayagan na magtinda.
Bukod sa malinis na ang lugar ay taglay din ng security camera ang Lagusnilad underpass.
Kung matatandaan sinimulan ngang ni-renovate nito lamang November 2019 ang Manila City Hall underpass kung saan naudlot ito nang makailang beses dahil sa COVID-19 pandemic.
Susunod naman na irerenovate ay ang Lawton underpass at ang iba pang underpass sa Maynila.