Ni Vhal Divinagracia
LAHAT ng transportasyon mula sa Metro Manila pati Region 3 at 4 ay pansamantalang hihinto muna sa loob ng dalawang linggo.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Department of Transportation o DOTr Road Sector Senior Consultant Eng. Bert Suansing, bunsod ito sa pagsasailalim ulit ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine.
Para naman sa pinayagang magbukas na mga kompanya sa ilalim ng MECQ, kargo ng employers ang transportasyon ng lahat na empleyado nito.
Sa mga kumpanya naman ani Suansing na walang sariling transportation vehicles ay maaaring mag-arkila ng mga public utility vehicles.
Kabilang rin sa pansamantalang tigil operasyon simula bukas ay ang MRT-3 at LRT-2.