SMNI NEWS
TINIYAK ng Lao Conservation Trust for Wildlife ang pagbabagong-anyo ng Lao Zoo mula sa isang pagkaraniwang zoo tungo sa isang conservation at education center ng wildlife.
Pinagsikapan ng Lao Conservation Trust for Wildlife na paghusayin at aayusin pa ang Lao Zoo sa Ban Keun, sa Vientiane Province kung saan mula sa isang pangkaraniwang zoo tungo sa isang center para sa conservation at education.
Kasalukuyang sumailalim sa renovation ang pasilidad bago ito muling bubuksan para sa publiko.
Kabilang sa aayusin ay ang upgraded na kulungan para sa mga hayop, pagkakaroon ng museum para sa natural science, at isang wildlife education program na itinakda para sa tour ng mga bisita.
Sinimulan na noong nakaraang buwan ng Lao Conservation Trust For Wildlife ang pagsasaayos para sa target na pagbubukas nito sa publiko sa susunod na taon.
Mahigit sa apat na raang hayop ang naninirahan ngayon sa zoo kung saan marami sa mga ito ang nakatakdang pakawalan sa Lao Conservation Forests.
Umaasa naman ang Conservation Trust for Wildlife na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa European Union at ng Wildlife Conservation Organization ay tuluyang malabanan ang iligal na kalakalan ng mga hayop.
Plano ng Trust na maglunsad ng isang Wildlife Rescue Hotline at magbigay ng mga training program para sa wildlife rescue at rehabilitation.
Itinatag ang Lao Zoo noong 1994 ng isang Lao-Thai family at tinulungan ito ng mga wildlife NGO’s ng South-East Asian para mapanatili ang conservation at protection nito sa mga katutubong flora at fauna ng Laos.