Ni Justine Nazario
NAGPADALA ng liham ng pag-ibig at pasasalamat para sa mga magigiting na frontliners ang miyembro ng samahang League of Filipino Actors (LFA).
Kaugnay ito sa mga naging hinaing ng mga frontliners na napapagod na sila.
Batay sa video na i-pinost sa Facebook page ng LFA, nanghihingi ang mga aktor ng tawad at nangakong mas pahahalagahan pa ang mga sakripisyo at hinaing nila.
Kabilang sa mga aktor na nakilahok dito ay sina Piolo Pascual, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Sunshine Dizon, Anne Curtis, Angel Locsin at marami pang iba.