Ni Jao Gregorio
KAKULANGAN sa legal qualification ng ilang opisyal ng PhilHealth ang nakikitang butas ni Senior Deputy Majority Leader Cong. Jesus Crispin Remulla kung bakit patuloy ang alegasyon ng anomalya sa ahensiya.
Ito ay matapos matuklasan ng Kamara sa naging hearing kahapon na isang junior lawyer lamang ang humahawak sa legal affairs ng ahensiya.
Sa naging panayam ng SMNI News kay Cong. Remulla, sinabi nitong hindi basehan ang pagiging career person para humawak ng pinakamalaking government owned and controlled corporation sa bansa kung butas naman ito sa legal qualification.
Punto pa ni Remulla, may mali na talaga sa kultura ng PhilHealth kung bakit hindi mamatay-matay ang kurapsiyon sa loob.
Kahapon nang muling sumailalim sa pagdinig sa Kamara ang alegasyon ng kurapsyon na kinasasangkutan ng PhilHealth.